^

Police Metro

Pasilidad ng PDEA-SDO, binawi ng Taguig LGU

Ludy Bermudo - Pang-masa

Hepe, mga tauhan dawit sa droga

MANILA, Philippines — Dahil sa pagkakasangkot sa illegal na gawain ng mismong hepe at mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Southern District Office, binabawi na ng Taguig City government ang ipinagagamit na gusali para sa nasabing tanggapan upang mapakinabangan ng iba pang mas karapat-dapat na paggamit ng publiko.

Ayon sa local government unit (LGU) ng Taguig, pormal silang magpapadala ng liham sa PDEA para sa pagbawi ng kanilang pasilidad.

Mariin ding kinondena ng Taguig LGU, ang ilegal na aktibidad ng PDEA-SDO partikular sa pagkakasangkot at pagkakaaresto ng mismong hepe nito, dalawang PDEA agents at sibilyang driver sa buy-bust operation na isinagawa mismo sa kanilang tanggapan.

Noong 2018 nang i-turn over sa PDEA-SDO ang bagong tayong gusali bilang suporta sa mandato ng PDEA laban sa iligal na droga sa pag-asang makikipagtulungan ang ahensya sa lungsod at sa anti-drug abuse council.

“The criminal participation of drug enforcers in illicit drug activities, using facilities provided by the City, is repugnant and inexcusable.

The involvement of PDEA officers in the criminal activities they are supposed to stop has forced the City to reconsider its decision,” saad sa press statement na inisyu ng Taguig Public Informationm Office.

Pansamantala ring sinuspinde ng lungsod ang suporta at koordinasyon nito sa PDEA habang hinihintay ang resulta ng imbestigasyon at dapat na mapanagot ang mga sangkot.

Muling susuporta umano ang lokal na pamahalaan at makikipagtulungan sa PDEA kapag nagpakita na ito ng seryosong pagsisikap na linisin ang hanay nito sa mga scalawags.

Iginiit ng lungsod na “Zero Tolerance Policy” sila pagdating sa iligal na droga, kasabay ng babala sa mga drug users, drug pushers at mga nagtatrabaho sa gobyerno na hindi masasangga ng kanilang posisyon ang kamay ng batas.

vuukle comment

PDEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with