PNP, Bulacan officials ginalugad ang mga tindahan ng paputok
MANILA, Philippines — Upang matiyak na sumusunod ang mga gumagawa at nagbebenta ng mga paputok, ginalugad at ininspeksiyon ni Philippine National Police (PNP) chief General Rodolfo Azurin Jr. kasama ang mga government officials sa Dinglasan Compound in Barangay Turo, Bocaue, Bulacan.
Inisa-isa ni PNP chief Azurin kasama sina Bulacan Governor Daniel Fernando, Vice Governor Alexis Castro, Geraldine Panlilio, regional director ng Department of Labor and Employment; Mayor Eduardo Villanueva at ilang miyembro ng Pyrotechnics Regulatory Board (PRB) ang mga tindahan ng paputok dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga mamimili.
“We are conducting this inspection to assure the public that the necessary provisions under the Republic Act 7183 on regulating, manufacturing, and distributing firecrackers are strictly implemented to ensure safe and peaceful celebration of the Yuletide season,” ani Azurin.
Giit ni Azurin, kailangang masiguro na sumusunod ang lahat sa health safety protocols dahil nananatili ang banta ng COVID-19. Nilinaw din niya na hindi bawal ang fireworks at ang ipinagbabawal ay ang malalakas na uri ng paputok na posibleng magdulot ng disgrasya.
Pinaalalahanan pa ang mga nagbebenta at gumagawa ng paputok na siguraduhin na may permit-to-operate at fire extinguisher sa kani-kanilang mga stalls, habang nanawagan din sa mga mamimili na huwag tangkilikin ang mga illegal firecrackers na posibleng magdulot ng kapahamakan.
Magpapatuloy din aniya ang kanilang crackdown laban sa mga gumagawa at nagbebenta ng illegal firecrackers.
- Latest