^

Police Metro

‘Di magkakaroon ng recession sa Pinas — Marcos

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Malaki ang paniwala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi makararanas ng recession sa Pilipinas.

Ito ay kasunod ng ulat ng pagbaba ng bilang ng mga unemployed o walang trabahong Pilipino sa bansa.

Binigyang-diin ng Punong Ehekutibo na prayoridad ng kanyang administrasyon ang makalikha ng hanapbuhay para sa mga Pilipino simula pa ng mag­­simula ang kanyang liderato.

“Ang balita na tumaas­ ang inflation rate na hanggang eight percent last November, mayroon naman kasabay na mas ma­gandang balita na bumaba ang unemployment rate sa four and a half percent mula sa five percent,” ayon kay Pangulong Marcos.

“Kaya’t kahit papaano ay malakas ang loob natin na hindi tayo magkakaroon ng recession dito sa Pilipinas dahil masyadong mababa ang unemployment rate at kung maaalala ninyo sa pagsimula namin dito sa administrasyong ito ay pinag-usapan na namin ay trabaho talaga ang aming­ uunahin. Kaya’t ‘yan ang nakikita ngayon natin na nangyayari. Ipagpatuloy lang natin ‘yan,” dagdag na pahayag nito.

Sinabi ng Chief Exe­cutive na bagama’t may pagtaas sa inflation rate na umabot ng 8%, isang magandang balita naman aniya na lumagpak sa 4.5 ang porsiyento ang mga walang hanapbuhay.

Ipagpapatuloy aniya ng kanyang administrasyon na palakasin ang kam­panya na may kinalaman sa tra­baho habang kasabay nito’y ang paghahanap ng kaparaanan upang maba­wasan ang impact sa pag­taas sa presyo ng mga pa­ngunahing bilihin.

FERDINAND MARCOS JR.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with