^

Police Metro

Mga krimen mula Hulyo hanggang Setyembre, bumaba ng 72%

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ipinagmalaki kahapon ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin ‘Benhur’ Abalos Jr. na bumaba ng 72% ang bilang ng mga krimeng naitala mula Hulyo 1 hanggang Setyembre 30, kumpara sa mga na­itala sa kahalintulad na petsa noong taong 2016”.

Ayon kay DILG Public Affairs and Communication Service director Marlo Guanzon na tiniyak din ni Abalos na pa­tuloy silang gagawa ng mga pamamaraan upang mapanatili ang kapayapaan at ka­ayusan sa bansa.

Samantala, sinabi rin ng kalihim na ipagpapatuloy ng DILG ang laban sa ilegal na droga ng pamahalaan sa pamamagitan ng kanilang kalulunsad na kampanyang­ ‘Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan (BIDA) na sinuportahan ng 25,000 sa isinagawang grand launch nito sa Quezon City kama­kailan.

DILG

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with