Ex-NPA rebels na tumanggap ng ayuda umabot na sa 1,100
MANILA, Philippines — Umaabot na sa 1,100 ang bilang ng mga dating rebelde na tumanggap ng government assistance mula sa pamahalaan sa ilalim nang pamumuno ng administrasyong Marcos.
Ito ang inihayag ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin ‘Benhur’ Abalos Jr., kasabay nang pagtiyak na patuloy ang commitment ng pamahalaan upang matuldukan na ang insurgency sa bansa at tulungan ang mga dating rebelde na makapag-bagong buhay.
“Through the Enhanced Comprehensive Local Integration or E-CLIP, we have helped more than 1,100 FRs get back into the folds of society since July 1,” ayon pa kay Abalos, sa isang pahayag na binasa ni DILG Public Affairs and Communication Service director Marlo Guanzon sa isang pulong balitaan kahapon.
Matatandaang inilunsad ng pamahalaan ang E-CLIP upang matulungan ang mga rebelde na muling makihalubilo sa komunidad, sa pamamagitan nang pagkakaloob sa kanilang ng financial at livelihood assistance.
- Latest