^

Police Metro

SSS at PhilHealth contribution tataas sa Enero 2023

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sa pagpasok ng Enero 2023 ay magkakaroon ng pagtaas sa kontribusyon ng mga miyembro sa  PhilHealth at Social Security System (SSS). Aabot sa 1 percent ang taas sa kontribusyon sa SSS kasabay ng paglaki ng salary credit ng mga empleyado na P30,000. Ang taas ay aakuin ng mga employer alinsunod sa SSS Law.

Inihalimbawa ng SSS na kung ang sahod ng isang miyembro ay P35,000 kada buwan, aabutin sa  P4,200 ang magiging kontribusyon nito simula Enero 2023 mula sa kasalukuyang P3,375.

“Yung increase po ng contribution na 1 percent will be borne by our employers, hindi po sa empleyado hetong 2023 ‘yung increase na 1 percent,” paglilinaw ni SSS President at CEO Michael Regino. Binigyang diin ni Regino na pabor ito para sa mga miyembro dahil may forced savings na ang kontribusyon pagdating ng retirement nito.

“Ngayon if any suweldo o monthly salary credit above P20,000 mapupunta na ‘yan sa personal account ng mi­yembro so that in the future when he’s going to retire may dagdag po siya ng retirement personally, in effect parang dalawa na ang pension niya,” sabi ni Regino.

Samantala, .5 percent naman ang magiging dagdag sa kontribusyon sa PhilHealth mula sa kasaluku­yang 4 percent o magiging 4.5 percent simula sa Enero.

Inihalimbawa dito na kung ang sahod ng manggagawa ay P10,000, tataas ng P450 ang hulog nito mula P400, samantalang kung  mas mataas sa P10,000 hanggang mababa sa P80,000 ang sahod ng mangaggawa, aabutin sa P50 hanggang P850 ang magiging dagdag-kontribusyon ng PhilHealth members.  Niliwanag na ang taas kontribusyon sa PhilHealth ay upang mapahusay ang benepisyong natatanggap ng mga miyembro.

SOCIAL SECURITY SYSTEM

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with