^

Police Metro

Lotilla bilang DOE chief, Solidum bilang DOST secretary aprub sa CA panel

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inaprubahan ng makapangyarihang Commission on Appointments (CA) ang ad interim appointment nina Energy Sec. Raphael Lotilla at DOST Sec. Renato Solidum.

Si Lotilla ay matatandaang dalawang beses na nasuspinde ang deliberas­yon sa ad interim appointment nito sa CA bunsod na rin ng mahabang listahan ng magtatanong na mamba­batas at kakulangan ng oras at sa ikatlong pagkakataon ay naaprubahan na rin ito.

Nangako si Lotilla na sa ilalim ng kanyang pamamahala ay sisikapin ng ahensya na mabawasan ang singil sa kuryente.

Nagbigay rin ng commitment ang kalihim sa pagsasaayos ng structural reforms sa mga tanggapan na nasa ilalim ng DOE at ang pagiging independent nito sa mga pagpapasya kahit noon ay naging bahagi at opisyal siya ng Aboitiz na isang electric service company. Binigyang garantiya rin ni Lotilla ang targets ng DOE na maibaba ang dependence ng bansa sa coal energy upang mabawasan ang nararanasang global warming.

Aprubado rin ng CA ang ad interim appointment ni Solidum at ilan sa mga naitanong ay ang mga hakbang ng DOST sa research and development, food security, pagpapala­kas ng agrikultura at mga pamamaraan para mahikayat ang mga estudyante na sumabak sa science and technology.

vuukle comment

DOE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with