^

Police Metro

PNR nagtigil operasyon sa lindol

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kasunod nang pagtama ng magnitude 5.3 na lindol sa Camarines Norte na naramdaman din sa Metro Manila ay pansamantalang sinuspinde ng Philippine National Railways (PNR) ang lahat ng kanilang biyahe kahapon ng hapon.

Layunin nitong alamin kung posibleng may tinamong pinsala ang mga pasilidad ng PNR dulot ng lindol, para na rin sa kaligtasan ng kanilang mga mananakay.

“Pansamantalang suspendido ang lahat ng byahe ng PNR ngayong hapon, Disyembre 7, dulot ng yanig na dala ng lindol,” anang PNR sa isang advisory.

Inabisuhan rin ng PNR ang kanilang mga pasahero na i-check ang kanilang official Facebook page para sa updates hinggil sa biyahe at iskedyul ng kanilang mga tren.

Sa inilabas na earthquake bulletin ng Phivolcs, nabatid na ang lindol, na tectonic ang origin, ay tumama dakong ala-1:05 ng hapon at may lalim na isang kilometro.

Ang epicenter ng lindol ay naitala sa bahagi ng Tinaga Island (Vinzons).

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na matinding pinsala na naidulot ng lindol, ngunit asahan na anila ang pagkakaroon ng mga aftershocks.  

vuukle comment

PHILIPPINE NATIONAL RAILWAYS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with