^

Police Metro

Utang ng Pinas lumobo sa P13.64 trilyon

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sa pagtatapos ng Oktubre ngayong taon ay lumobo pa sa pinakabagong record high ang utang ng Pilipinas, sa P13.64-T dahil sa tuluy-tuloy na pag-utang ng bansa bilang suporta sa fiscal requirements nito.

Sa datos ng Bureau of Treasury, nasa P13.51 trilyon ang utang ng bansa nitong nakaraang Setyembre na nadagdagan agad ng P123.9 bilyon o .92% na pagtaas.Sa pag-uumpisa ng 2022, umakyat na ng P1.91 trilyon o 16.31% ang utang ng bansa.

Sa kabuuang utang, nasa P9.36 trilyon o 68.58% ang hiniram sa mga local lenders, habang ang nalalabing P4.29 trilyon ay mula naman sa mga dayuhang lenders.

Matatandaan na nag-umpisa ang malakihang pag-utang ng Pilipinas sa nakalipas na dalawang taon sa pamumuno ni dating Pangulong Rodrigo Duterte para pondohan ang COVID-19 response ng bansa at mga proyektong pang-imprastruktura.

Sa kabila nito, sinabi ng mga economic managers noon na hindi dapat ikabahala ang paglobo ng utang ng Pilipinas dahil sa makakayang bayaran ito sa inaasahang pag-akyat ng ekonomiya.

vuukle comment

UTANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with