^

Police Metro

Ex-Batangas Vice Gov. natagpuang patay

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Patay na nang ma­tagpuan ang da­ting bise gobernador ng Batangas na si Ri­chard “Ricky” Recto, sa loob ng kanyang bahay sa Pasig City kamakalawa ng gabi.

Sa nakalap na ulat, alas-6:00 ng gabi nang madiskubreng patay si Recto, 59, sa loob ng master’s bedroom ng kanyang tahanan na matatagpuan sa Valle Verde 6, Brgy. Ugong, Pasig City.

Nauna rito, nakatanggap ng tawag ang sub-station ng Pasig City Police mula sa anak ng biktima at hiniling na alamin ang lagay nito matapos na hindi nila makontak.

Kaagad nagpunta ang mga personnel ng sub station, kasama ang mga tauhan ng Barangay Security Force at security personnel ng Valle Verde 6, sa tahanan ni Recto.

Nang walang sumagot sa kanilang mga tawag ay puwersahang binuksan ang pinto at dito na umalingasaw ang masangsang na amoy mula sa master’s bedroom.

Nang tunguhin ang silid ay bumulaga ang bangkay ni Recto na nakaupo sa lazy boy chair, may unan sa dibdib at may hawak na baril sa kanang kamay.

Nasa advanced stage of decomposition na ang bangkay ni Recto nang madiskubre ito.

“With sadness, we share the news that our brother Ricky has passed away,” the lawmaker said in a statement. Words are hard to come by to express the sorrow of losing him, but we take comfort in our fond memories of him to overcome the pain we feel,” pahayag ni Deputy Speaker at 6th District Batangas Rep. Ralph Recto.

PATAY

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with