^

Police Metro

Presyo ng bilihin sumirit - PSA

Angie dela Cruz - Pang-masa
Presyo ng bilihin sumirit - PSA
Bumibili ng mga gulay ang ginang na ito sa Kamuning Public market na nagkaroon ng pagtaas sa presyo matapos sumirit sa 8.0% noong November 2022, mula sa 7.7 % noong October 2022. Ito na ang pinakamataas na record ng inflation simula noong Nobyembre 2008.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ng Philippine Statistics Authority (PSA) na pumalo sa 8 porsyento ang inflation o pagtaas ng presyo ng mga bilihin nitong nakalipas na buwan ng Nobyembre na mas mataas kumpara sa 7.7 porsyento na naitala noong Setyembre.

Sinabi pa ng PSA na ito na ang pinakamabilis na inflation sa nakalipas na 14 taon matapos ang Global Financial Crisis noong 2008.

Ayon kay PSA officer-in-charge Divina Gracia Del Prado, ang pagtaas ng presyo ng bilihin ay bunsod ng bagyong tumama noong Oktubre.

Sa pagtaya ng Department of Agriculture, uma­bot sa halagang P4.27 bilyon ang pinsala sa agrikultura dahil sa matinding pag-ulan at pagbaha dulot ng bagyong Paeng.

Ayon pa sa PSA, ang presyo ng pagkain at non-alcoholic beverages ang nanguna sa talaan ng mabilis na pagtaas ng presyo.

Sumunod ang gulay na labis na naapektuhan ang sektor ng pagsasaka dahil sa mga nagdaang bagyo.

Bagama’t bumilis ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin, pasok pa rin naman ito sa forecast range ng Bangko Sentral ng Pilipinas na papalo sa 7.4 hanggang 8.2 porsyento ang inflation sa buwan ng Nobyembre.

INFLATION

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with