^

Police Metro

Kaso ng HFMD sa Metro Manila, tumataas

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ng Department of Health (DOH) na nakitaan nang pagtaas ang mga kaso ng “hand, foot and mouth disease (HFMD)” sa Metro Manila makaraang maitala ito sa 155.

Pero, iginiit ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na “manageable” pa rin naman umano ang mga kaso na naitala sa pagitan ng Oktubre hanggang nitong Disyembre 6.

“Nakakakita tayo ng pagtaas sa hand, foot and mouth disease cases sa mga nakalipas na linggo. Pero nanatiling walang trigger o sapat na basehan para sa ating mga lokal na pamahalaan na magdeklara ng outbreaks sa kanilang lugar,” ayon kay Vergeire.

Karamihan sa mga kaso ay mga bata na may edad 11-taong gulang pababa. Wala pa namang naiuulat na nasawi sa pagkakasakit.

May ilang Facebook post na kumakalat din buhat sa mga doktor na nakakatanggap ng sunud-sunod na kaso ng HFMD na ikinakabahala ng mga netizen.

Ayon sa World Health Organization, ang HFMD ay isang nakakahawang sakit na partikular na dinadapuan ang mga bata pero maaari ring mahawa ang mga adolescents at minsan ay mga matatanda.

Kabilang sa mga sintomas nito ay lagnat, pa­nanakit ng lalamunan, mga rashes at sugat sa kamay, paa at sa puwitan.

DOH

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with