^

Police Metro

Bakuna na nasayang umabot sa P22 bilyon

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ng Department of Health (DOH) na umakyat na sa P22 bilyong halaga ng COVID-19 vaccines ang nasayang makaraang mag-expire, masira o iba pang kadahilanan.

Ito ang sinabi ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na ang P22 bilyon ay katumbas ng 44 milyong bakuna kung nagkakahalaga ang isang dosage ng P500.

Nitong nakaraang Nobyembre 21, sinabi ni Vergeire na 15.6 bilyon na mga bakuna o katumbas ng 31 milyong shots na ang nasira.

Karamihan umano sa mga nasayang na bakuna ay nag-expire dahil sa maigsing “shelf life” ng mga ito at mayorya nito ay mga binili ng pribadong sektor.

Isa rin sa dahilan ng pagkapaso ng mga bakuna ay ang pagdada­lawang-isip na ng mga Pilipino na magpabakuna nitong huling bahagi ng taon nang bumaba na ang mga kaso.

COVID-19

DOH

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with