^

Police Metro

56-anyos gagawing senior citizen na

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sa halip na 60-anyos ay ibaba na sa 56-anyos ang isang indibidwal para maging senior citizen.

Ito ang panukala ni Sen. Bong Revilla Jr., upang mas maaga at mahabang panahon na mapakinabangan ang mga benepisyo.

Sa Senate Bill No. 1573 na inihain ni Revilla, bukod sa pagpapababa ng edad ay nais din niyang dagdagan ang mga benepisyo.

Sa ilalim ng panukala, pinaaamyendahan rin ang Republic Act No. 7432 na nagpapatibay na ang senior citizen na naninirahan sa kahit saang bahagi ng bansa ay dapat 60-anyos.

Sa sandali rin maisabatas lahat ng residenteng Pinoy na nasa 56-anyos ay ikokonsidera ng senior citizen at maaari nang makinabang sa umiiral na benepisyo.

Anya, dapat lang na ibaba ang edad para maging senior citizen ang mga nakakatandang kababayan lalo na nga­yong nagkapandemya at marami ang hindi pinalad na umabot sa edad na 60.

Base sa datos ng Department of Health (DOH) noong Disyembre 2022,7.33% ng kaso ng COVID-19 sa bansa ay pawang mga senior citizen na humantong sa kamatayan kumpara sa 0.76% na ang edad ay 18-anyos hanggang 59 anyos.

SENIOR CITIZEN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with