Bantag sumipot sa DOJ sa Lapid slay case
MANILA, Philippines — Personal na dumalo kahapon si suspended Bureau of Corrections (BuCor) chief Gerald Bantag sa pagpapatuloy ng preliminary investigation sa pagpaslang sa mamamahayag na si Percy Lapid sa Department of Justice (DOJ).
Si Bantag ang isa sa itinuturong mastermind sa pagpatay kay Lapid at ang itinuturo rin na middleman na si Jun Villamor.
“Sabi nila nagtatago ako. Hindi naman,” sinabi niya pagkapasok na pagkapasok mismo sa bisinidad ng DOJ.
Matatandaan na noong Nobyembre 23 ay hindi nakadalo si Bantag sa dapat sana ay unang pagdinig sa naturang kaso dahil sa maling middle name na nailagay sa subpoena laban sa kanya.
Dalawang kaso ng murder ang kinakaharap ni Bantag – ang pagpatay kay Lapid at pagkamatay ni Villamor habang nasa loob ito ng New Bilibid Prison.
Bukod kay Bantag, nahaharap din sa naturang mga kaso si dating BuCor Senior Superintendent Ricardo Zulueta at iba pang PDL.
Related video:
- Latest