^

Police Metro

2 trak nagsalpukan: 6 todas, 20 sugatan

Doris Franche-Borja - Pang-masa
2 trak nagsalpukan: 6 todas, 20 sugatan
Iniinspeksyon ng isang LTO officer ang wasak na wasak na mga trak na nagbanggaan kahapon ng umaga sa kalye na sakop ng Zone 2, Barangay Agusan, Cagayan de Oro City na ikinasawi ng 6 katao at pagkasugat ng 20 iba pa.
Gerry Lee Gorit

Galing sa pakikipaglibing…

MANILA, Philippines — Nauwi sa trahedya ang pakikipaglibing ng magkakamag-anak matapos 6 sa mga ito ang nasawi habang 20 ang sugatan matapos magsalpukan ang sinasakyan nilang Bongo truck sa kasalubong na truck kahapon ng  madaling-araw sa Cagayan de Oro City.

Inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan ng mga nasawi at 20 sugatan na pawang magkakaanak ng pamilyang Pagtalunan at lahat ay taga-Brgy. Sta. Ana, Tagoloan, Misamis Oriental.

Hawak na ng pulisya ang suspek na driver sa Fuso Fighter truck na kinila­lang si Julieto Jabagat, nasa hustong gulang at residente ng Baloi, Brgy. Tablon, ng nasabing lungsod.

Ayon kay Police Corporal Rodulfo Abaday, traffic investigator ng  Cagayan de Oro City Police Office-Puerto Police Station, naganap ang insidente alas-3:00 ng madaling-araw sa kalsadang sakop ng Zone 2, Barangay Agusan ng nasabing lungsod.

Sa paunang imbestigasyon ng pulisya, minamaneho ni Jabagat ang truck na may mga kargang manok nang makasalubong ang Bongo truck na sinasakyan ng mga biktima galing sa pakikipaglibing sa kanilang kaanak sa Zamboanga del Sur at pabalik na sana sa kanilang tahanan nang ma­ganap ang aksidente.

Dahil sa lakas ng banggaan ay agad namatay ang 6 kasama ang driver ng Bongo truck habang dinala naman sa ospital ang 20 para lapatan ng lunas.

Nakakulong na ang suspek at nahaharap sa kasong reckless imprudence resul­ting into multiple homicide, multiple physical injuries at damage to property.

AKSIDENTE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with