Virology and Vaccine Institute Bill aprub na sa Kamara
MANILA, Philippines — Pinagtibay na sa ikatlo at pinal na pagbasa sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang House Bill 6452 sa pagtatatag ng Virology and Vaccine Institute sa bansa.
Pinuri ni Quezon Rep. Keith Micah “Atty. Mike” D.L. Tan, isa sa pangunahing may-akda ng panukala ang pagkakaapruba dito dahil layon nito na mag-focus sa pagpapaunlad sa larangan ng virology science and technology applications sa mga halaman, hayop at tao.
Dinisenyo rin ang panukala bilang paghahanda ng bansa laban sa pandemya at public health emergencies.
Kapag ito ay naging ganap nang batas ang VIP ay magsisilbing pangunahing research and development institute at magtatatag ng partnership sa mga nangungunang siyentista, virology centers and institutes, at magsasagawa ng mga innovative and pioneering researches na magpapaunlad sa larangan ng virology sa bansa.
Ipinaliwanag ni Tan na isang baguhang mambabatas na ang nasabing batas ay nagtatampok sa katotohanang ang globalisasyon ang siyang defining term sa 21st century kung saan ang sinuman ay maaring humakbang sa kahit anong lugar at sa kahit na anong oras na may dala-dalang posibleng sakit, viruses,at bacteria.
Pinasalamatan ni Tan si Speaker Ferdinand Martin Romualdez at ang liderato ng Mababang Kapulungan sa pagsuporta para sa mas mabilis na pagpasa ng panukalang batas para sa final reading.
- Latest