^

Police Metro

TNVS coalition makikipagtulungan sa gobyerno sa pagbuti ng ride-hailing services

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Upang mas gumanda pa ang ride-hailing services sa bansa at na­ngako rin ito na gagawin ang makakaya upang mabawasan ang mga pasanin ng mga Pinoy commuters ay nakahandang makipagtulungan sa pamahalaan at mga mambabatas ang isang koalisyon ng mga tsuper at operators ng transport network vehicle services (TNVS) na may 25,000 miyembro.

Sa isang pulong balitaan kahapon ng iba’t ibang grupo at orga­nisasyong TNVS ay sinabi ng tagapagsalita ng TNVS CommUNITY na si Bobby Coronel na nais na maging integral na bahagi ng mga solusyon sa mga problema sa transportasyon sa bansa, lalo na sa Metro Manila.

Sinabi ng beteranong TNVS driver na batid naman nila ang mga hinaing ng mga TNVS ri­ders dahil direkta nilang naririnig ang mga ito mula sa mga pasahero.

Ayon kay Saturnino Mopas, pinuno ng Transport Network Vehicle Representatives, isa sa mga dumalong TNVS groups, na sila ay kasama sa lumalawak na komunidad ng 25,000 na mga tsuper at operators na nabibilang sa halos 100 na iba’t ibang TNVS groups na nakabase sa iba’t ibang parte ng National Capital Region.

Idinagdag ng TNVS lider na nananalig na matutulungan sila ng media na mapatotohanan na sila ay isang lehitimong boses ng sektor ng TNVS at ang isa sa mga layunin ng kanilang press conference ay upang klaruhin ang mga maling impormasyon na ipinapakalat ng ilang kampo na nagpapanggap na mga kinatawan ng mga tsuper at ope­rators ng TNVS.

TNVS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with