^

Police Metro

Pangulong Marcos namahagi ng regalo sa mga bata

Gemma Garcia - Pang-masa
Pangulong Marcos namahagi ng regalo sa mga bata
President Marcos celebrates his 65th birthday with children of the White Cross Orphanage in San Juan City yesterday. Joining him in the gift-giving activity are DSWD Secretary Erwin Tulfo and San Juan Mayor Francis Zamora.
STAR / File

MANILA, Philippines — Pinangunahan ni Pangu­long Ferdinand Marcos Jr., kasama si First Lady Liza Araneta-Marcos ang pa­ma­mahagi ng regalo sa mga bata sa harap ng Ma­la­cañang, kahapon.

Tinatayang 600 bata ang inimbitahan sa event na may temang “Balik Sigla, Bigay Saya: Nationwide Gift Giving,” na isinagawa sa Kalayaan Grounds ng Malacañang. Isinagawa rin ang kahintulad na event sa 40 pang lokasyon sa buong bansa.

“Napakasaya talaga at hindi kumpleto ang kahit anong Pasko kung hindi na­tin nakikita ang ngiti at tu­wa ng ating mga anak, ang ating mga apo, ang ating mga kabataan,” saad ni Marcos Jr. sa kanyang talumpati.

Sinabi ng Pangulo na nagdesisyon siyang mag­da­os ng party sa mga bata upang maranasan naman nila ang kapaskuhan.

Bukod sa mga regalo, sumabak din sa iba’t ibang palaro ang mga bata.

GIFT GIVING

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with