^

Police Metro

4 dedo, 7 sugatan sa araro ng SUV

Doris Franche-Borja - Pang-masa
4 dedo, 7 sugatan sa araro ng SUV
Namatay habang gina­gamot sa iba’t ibang ospital ang mga biktima na sina Do­nato Barsatan, driver ng Kolong Kolong; mga pa­sa­hero na sina Marinet Bar­satan; Velvet Geron; at Prince Barsatan.
Graphic by Philstar/John Villamayor

MANILA, Philippines — Patay ang apat katao ha­bang pito ang nasugatan nang araruhin ng isang SUV ang tricycle at kolong kolong sa Gonzaga, Ca­ga­yan, kamakalawa ng gabi.

Namatay habang gina­gamot sa iba’t ibang ospital ang mga biktima na sina Do­nato Barsatan, driver ng Kolong Kolong; mga pa­sa­hero na sina Marinet Bar­satan; Velvet Geron; at Prince Barsatan.

Sugatan naman ang pi­tong sakay ng tricycle na gi­na­gamot ngayon sa os­pi­tal.

Sa imbestigasyon ng Gonzaga-PNP, naganap  ang insidente, alas-10:30 ng gabi sa Brgy. Ipil, sa na­sabing bayan ng napa­da­an sa one way street ang SUV na mi­namaneho ni Rodolfo Batin, 56, ng Quezon, Isabela.

Dahil mabilis ang takbo ng SUV ay huminto ang tri­­­cycle at kolong kolong, su­­­balit naararo sila upang tu­­mi­lapon ang mga biktima.

Kusang sumuko si Batin sa pulisya at inihahanda ang kasong reckless impru­dence resulting in multiple homicides at physical in­juries.

AKSIDENTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with