^

Police Metro

Bill para sa ayuda sa PWDs suportado ng DSWD

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Bagamat nasa committee level pa lang ang panukalang batas na inihain ng ACT-CIS Partylist hinggil sa buwanang cash ayuda para sa mga mahihirap na Per­sons with Disabilities (PWDs) ay nangako ang pa­munuan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na susuportahan nila ang nasabing bill.

Ayon kay DSWD Sec. Erwin Tulfo, napapanahon na bigyan ng buwanang financial assistance ang mga mahihirap na PWDs lalo na yung mga nakaratay na lamang sa higaan.”

“Kahit pambili lang ng main­tenance o pangkain para hindi sila pabigat sa kanilang pamilya,” dagdag ni Tulfo.

Sinabi naman ni ACT-CIS Congressman Jeff soria­no tanging mga PWD sector na lang ang walang cash assistance mula sa pamahalaan.

Anya, ang solo parent may isang libo sa LGU at ang mahihirap na senior may 1K kada-buwan sa DS­WD, pero ang PWDs ay puro discount lang.

Noong nakaraang Sabado, bi­nayaran ng DSWD ang higit sa 200,000 na mahihirap na PWD sa buong bansa ma­tapos magling­kod o magbigay serbisyo sa kani-kanilang komunidad sa kabila ng ka­ni­lang kapansanan.

PWD

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with