^

Police Metro

Pag-abuso sa RA11709 ng PMAers, kinuwestiyon

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ilang miyembro ng militar ang kumuwestiyon sa umano’y pang-aabu­so ng mga Philippine Mi­li­tary Academy (PMA) gra­­duates ng batas na nagta­tak­­da ng permanenteng termino sa mga piling opis­yal ng Armed Forces of the Phi­lippines (AFP).

Sa pahayag ng isang sour­ce sa militar, ginaga­mit ng iilang PMAers ang Republic Act 11709 para sa kanilang sariling interes, na ngayon ay nagdudulot ng demoralisasyon sa hanay ng AFP.

Inaabuso ng ilang PMAers ang probisyon ng ba­tas na nagtatakda ng three year fixed term sa mga opis­yal na nakaabot sa ranggong brigadier general pataas.

Ang masaklap, may ilan din umano ang naghahangad sa pinakamataas na pwesto sa AFP na kasa­luku­yang hawak ni Lt. Gen. Bartolome Vicente Bacarro, isang Medal for Valor awardee at kauna-unahang AFP chief of staff na itinalaga ni Pangulong Bongbong Marcos Jr.

Isa ang AFP chief of staff sa mga posisyng sakop ng three-year fixed term ng RA11709.

Kung hindi aabusuhin ng iilan, maganda ang la­yu­nin ng RA 11709 na mas palakasin ang professionalism at i-promote ang continuity sa AFP.

PHILIPPINE MI­LI­TARY ACADEMY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with