^

Police Metro

1k sako ng puslit na sibuyas, nasabat!

Ludy Bermudo - Pang-masa

Nagkakahalaga ng P30 milyon

MANILA, Philippines — Nasa 1,000 sako ng puslit na sibuyas na nasa 100 metrikong tonelada at tinatayang katumbas ng P30 milyon ang halaga ang nakumpiska ng magkakasanib na pwersa ng pamahalaan sa isinagawang operasyon kontra smuggling ng agricultural commodities, sa isang bodega, sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Pinangunahan ng mga kinatawan ng Department of Agriculture (DA) ang operasyon sa pagsamsam sa dilaw na sibuyas na nakaimbak na matatagpuan sa DNR building, sa Santo Cristo St, Tondo, dakong alas-7:00 ng gabi ng Dis­yembre 2, 2022.

Bunga ng Intelligence report na makarating sa DA hinggil sa apat na 40-footer na container van na may kwestunableng mga dokumento, nagsagawa ng inspeksyon ang DA-Wide Field Inspectorate katuwang ang Bureau of Plant and Industry (BPI), Regional Special Operations Group ng National Capital Region Police Office (RSOG-NCRPO), Philippine Coast Guard (PCG) at Asuncion Police Community Precinct ng Manila Police District (MPD) sa nasabing bodega.

Sa bisa ng Letter of Authority (LOA) na may petsang Disyembre 2, 2022 na inisyu ni Yogi Filemon Ruiz, acting commissioner ng Bureau of Customs (BOC), kinumpiska ang mga sibuyas na nakadeklarang pastries o tinapay.

Ayon kay James Layug, ang pinuno ng DA-Wide Field Inspectorate, layon ng kanilang pinaigting na kampanya na protektahan ang kabuhayan ng mga lokal na mga trader at mga magsasaka. Gayundin, upang makontrol ang posibleng pagpasok ng mga transboundary diseases.

Matapos ang imbentaryo, dinala na ang mga sibuyas sa tanggapan ng BPI.

SIBUYAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with