Positivity rate ng COVID-19 sa Metro Manila, tumaas sa 11.9 percent
MANILA, Philippines — Umakyat sa 11.9 porsiyento ang COVID-19 positivity rate sa Metro Manila nitong Nobyembre na dati ay nasa 9.4 porsiyento noong Nobyembre 23.
Ito ang iniulat ni OCTA Research fellow Doctor Guido David na ang pagtaas ng positivity rate ay kapareho ng pagtaas ng bilang nang tumama ang Omicron BA.5 variant sa bansa noong Hunyo at XBB variant noong Setyembre.
Base sa tala ng Department of Health, nasa 14 na kaso ng BQ.1 ang na-detect sa bansa at sa nasabing bilang, 13 ang local cases mula sa Cordillera Administrative Region, Regions 1, 4A, 7, at National Capital Region (NCR).
Samantala, tumaas din ang reproduction number sa NCR na mula sa 1.11 na naitala noong Nobyembre 21 ay tumaas ito sa 1.32 noong Nobyembre 28.
Tumaas din ang average daily attack rate (ADAR) at pumalo na sa 2.85 per 100,000 population.
Gayunman, nananatili naman ang hospital utilization sa MM sa kabila ng pagtaas ng mga tinamaan ng COVID-19.
Sa pinakahuling tala ng DOH, nasa 1,238 na bagong kaso ng COVID-19 sa buong bansa.
- Latest