^

Police Metro

Wala pang credible lead sa 34 missing sabungeros – PNP

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inihayag ng Philippine National Police (PNP) na wala pa silang nakukuha na credible lead sa kinaroroonan ng 34 na nawawalang “sabungero” mula pa noong nakaraang taon.

“Wala pa rin po tayong credible lead, na matibay na ebidensya na maaaring makapagturo po sa atin nasaan ba ‘yung whereabouts nitong 34 missing sabu­ngeros,” ani PNP spokesperson Police Colonel Jean Fajardo.

Noong Huwebes, naglabas ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng composite sketches ng dalawang suspek sa pagkawala ni Michael Bautista, isa sa 34 na nawawala, sa Sta, Cruz, Laguna.

Kinilala ang isa sa mga suspek na si “Dondon,” na iniuugnay din sa mga kaso ng ilang nawawalang mahilig sa sabong sa Maynila.

Sinabi ni Fajardo na tinitingnan ngayon ng pulisya ang posibilidad na iisa lang ang grupo sa likod ng pagkawala ng 34.

“Ito ngayon po ang tinitignan natin na iisang grupo ‘yung possible na may kinalaman dito sa pagkawala nito dahil nga po si Alyas Dondon na isa din po ito doon sa mga nakasuhan partikular sa kaso po na ng mga nawawalang sabungero partikular diyan sa Manila Arena”,wika ni Fajardo.

 

CIDG

PNP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with