^

Police Metro

Koreano itinumba sa Roxas Blvd

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang Koreano nang ito ay barilin ng hindi pa kilalang suspek sa may Roxas Boulevard sa Pasay City kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang nasawi na si Lee Sung Hoon, 45, nakatira sa Unit 808 Sunset View Building, Roxas Boulevard, Pasay City.

Sa ulat ng Pasay City Police, alas-4:30 nang maganap ang krimen sa tapat ng isang gusali sa No. 2303 sa service Road ng Roxas Boulevard ng lungsod.

Sa salaysay ng security guard na si Jeffrey Tendero, naka-duty siya sa binabantayan na gusali nang makarinig ng putok ng baril dahilan para puntahan niya ang pinanggalingan at dito ay  naabutan na nakataob sa kalsada ang isang lalaki na duguan.

Nagpuntahan din ang mga security guard ng ibang gusali at tumawag ng tulong sa Pasay Police Sub-station 1 na rumesponde sa lugar. 

Agad na dinala ang biktima sa San Juan De Dios Hospital ngunit idineklara na siya na dead-on-arrival dahil sa tama ng bala sa likuran.

KRIMEN

PATAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with