^

Police Metro

Pension, 13th month ilalabas na ng SSS at GSIS

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sa unang linggo ng buwan ng Disyembre ay ilalabas na ng Social Security System (SSS) at Government Service In­su­rance System (GSIS) ang ka­nilang cash gift sa mga pensioner.

Inanunsyo kahapon ni SSS Chief Executive Officer Michael Regino na P29.74 bilyong halaga ang inilaan para sa benepisyo ng 3.36 million pensioners na nagsimula ang pamamahagi ng unang batch ng pensions kahapon.

Ang ikalawang batch na­man ay magsisimula sa Disyembre 4 na nangangahulugang ang pensioners na nakatakdang makakuha sa Disyembre 16 hanggang Disyembre 31 ay makukuha ito nang mas maaga.

Ayon kay Regino, ito ay bahagi ng pasasalamat ng SSS sa pensioners para sa kanilang suporta noong sila ay nagtatrabaho pa.

Inihayag ng SSS na ang pensioners na kwalipika­dong makatanggap ng 13th-month pension ay SS re­tirement pensioners, SS Employees’ Compensation (EC) survivors, at total dis­ability pensioners, kabilang ang partial disability pensioners na may pension duration na hindi bababa sa 12 buwan.

Samantala ang GSIS ay sa Disyembre 6 sisimulan ang pamamahagi sa 328,000 old age at disability pensioners.

Ayon kay President at General Manager na si Wick Veloso na ang pagka­ka­loob ng cash gift na katumbas ng isang buwang pensiyon ay hindi bababa sa P10,000.00 na aabot sa kabuuang P3.35 bilyon na Christmas cash gift ang state pension fund.

“Alam namin ang Christ­mas cash gift ay hinihintay talaga ng aming mga GSIS pensioners at ito ang makapagpapasaya sa kani­la ngayong Pasko. Kaya simula December 6, na-cre­dit na sa ecard nila ang kanilang cash gift at pwede na nilang i-withdraw,” ani Veloso.

Kwalipikadong tumang­gap ng Christmas cash gift ay mga pensioner na may edad na at may ka­pan­sanan sa ilalim ng Republic Act No. 8291 (GSIS Act of 1997); Pre­sidential Decree No. 1146 (Revised GSIS Act of 1977); at Republic Act 660 (“Magic 87”) na tu­ma­tanggap ng ka­nilang regular na buwanang pensiyon at nabubuhay hanggang Nobyembre 30, 2022.

Partikular ito sa mga pen­­siyonado na nag-avail ng limang taong lump sum na benepisyo at nagpatuloy sa kanilang regular na bu­wa­nang pensiyon pagka­tapos ng Disyembre 31, 2021 (kasunod ng limang taon), at mga miyembrong humiwalay sa serbisyo mula 2006 hanggang 2022 bago umabot sa edad ng 60 na nagsimulang tumanggap ng kanilang regular na buwanang pensiyon mula 2018, at naging mga regular na pensiyonado nang hindi bababa sa limang taon.

Ang mga pensiyonado na may edad na at may kapan­sanan na suspen­dido na sa katayuan noong Dis­yembre 31, 2021 dahil sa hindi pagsunod sa Annual Pensioners Information Revalidation (APIR) ay makakatanggap din ng kanilang cash gift pagkatapos nilang muling i-activate ang kanilang status. - Ludy Bermudo

SOCIAL SECURITY SYSTEM

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with