^

Police Metro

Larawan ng 2 suspek sa missing ‘sabungero’ case, isinapubliko

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isinapubliko kahapon ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang composite sketches ng dalawang suspek sa pag­kawala ng sabungero sa Laguna.

Batay sa dokumento, ang isang suspek ay may malaking pangangatawan, may taas na 5’7” hanggang 5’8” at nasa edad 38-40 habang ang isa pa ay may taas na 5’7” hanggang 5’8” malaki ang pangangatawan  at nasa edad 45-50.

Ayon kay  CIDG Director BGen. Ronald Lee,  na­ka­kuha  sila ng phone vi­deo kung saan dalawang hini­hinalang pulis at isang nawa­walang “sabungero” ang nakita sa labas ng sabu­ngan sa Santa Cruz noong Abril 28, 2021.

Sinabi ni Lee na pinag­base­han nila ang ‘secret’ cellphone video kung saan makikita na bitbit ng dalawang lalaki ang isang lala­king nakaposas na  kabilang sa nawawalang sabungero   sa Sta. Cruz, Laguna noong  April 28, 2021.

“We now hold vital evidence on our probe in the disappearance of the said sabungeros,” ani Lee.

Ang lalaking naka­posas ay positibong kini­lala ng asawa at kapatid nito batay sa kanyang gu­pit, panga­nga­tawan, at per­­so­nal belonging na si Michael Bautista.Kinaka­ilangan pa rin nating ipa-enhance ‘yung video upang ma-es­tablish nating mabuti ang pagkakakilanlan nung mga suspek na hinihinalang mga pulis,” wika ni Lee.

Sinabi pa ng CIDG na ka­salukuyang inihahanda ang kaso laban sa mga sus­pek bago ihain sa Department of Justice.

Magugunitang kinasuhan na ang walong identified persons at isang John Does na sangkot sa Manila Arena case at laban sa limang PNP personnel at kanilang kasabwat na si Ricardo Lasco sa kidnapping nitong taon, ayon sa CIDG.

CIDG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with