^

Police Metro

Vhong Navarro, inihalo na sa ibang preso

Ludy Bermudo - Pang-masa
Vhong Navarro, inihalo na sa ibang preso
Photo provided by the National Bureau of Investigation shows Vhong Navarro being escorted by Bureau of Jail Management and Penology personnel upon his arrival at Camp Bagong Diwa in Taguig yesterday.
National Bureau of Investigation

Tapos na ang quarantine…

MANILA, Philippines — Dahil sa natapos na umano ang CO­VID-19 quarantine ng TV host-comedian na si Ferdinand “Vhong” Navarro kung kaya’t inihalo na ito sa selda kasama ng iba pang inmates sa Taguig City Jail Male Dormitory sa Camp Bagong Diwa.

Nabatid na natapos ang quarantine ni Vhong noong Nobyembre 28 kaya nakadetine na umano ito kasama ng iba pang persons deprived of liberty (PDLs).

Wala pang inilabas na desisyon kung may nakitang basehan sa naunang pahayag ng kampo ni Vhong na nanganganib ang buhay nito sa loob ng naturang piitan.

Sinabi ng kampo ni Vhong na nakatanggap ng pagbabanta ang misis nito sa pamamagitan ng text message kung saan nakasaad na inaabangan na ng ilang grupo sa Taguig City Jail ang pagpasok nito sa selda.

Wala pa ring desisyon ang korte sa petition for bail and provisional liberty from detention na isinampa ng kampo ni Vhong.

CO­VID-19

VHONG NAVARRO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with