^

Police Metro

Kelot na undercover ng NPA, nasakote

Ed Amoroso - Pang-masa
Kelot na undercover ng NPA, nasakote
Kinilala ang naares­tong suspek na si Ireneo Cabanban Gatil, 33 ng Barangay Rizal, Sagay City, Negros Occidental.
File

MANILA, Philippines — Isang lalaki na sinasabing umano’y miyembro ng New People Army (NPA) bilang undercover ang nasakote sa Calatagan, Batangas.

Kinilala ang naares­tong suspek na si Ireneo Cabanban Gatil, 33 ng Barangay Rizal, Sagay City, Negros Occidental.

Sa ulat, nagsasagawa ng regular na inspeksyon malapit sa motor pool area ng construction site sa Brgy. Baha noong Linggo ng umaga ang dalawang sekyu na sina Christian George at Villacarlos Ro­bert nang masakote ang suspek na nagmamanman sa lugar.

Nang inspeksyunin ang dalang gitara ng suspek ay nakita sa loob nito ang isang mapa at isang pirasong papel na naglalaman ng ilang notes sa loob.

Ayon kay Cpt. Mel Hallar, reservist ng Phil. Army at general manager ng security agency na ang suspek ay nagpanggap bilang taong grasa ay iti­nurn-over sa mga tauhan ng Special Action Force at inilipat sa Calatagan police para sa imbestigasyon.

Idinagdag pa ni Hallar ng 59th Infantry Battalion ng Phil. Army ay pi­na­tunayan na ang lalaki umano’y undercover ng NPA.

Nilinaw ni Major Von Eric Gualberto, hepe ng Calatagan police, walang naganap na pag-aresto at itinurn-over lamang ito ng mga tauhan ng SAF mula sa himpilan ng pulisya ang suspek na nahaharap sa tresspassing.

NPA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with