^

Police Metro

2 bebot itinumba sa boarding house

Tony Sandoval - Pang-masa
2 bebot itinumba sa boarding house
Ang bangkay nina Jessica Tambado, 28, at Lanie Caya, 26 matapos pagbabarilin ng mga hindi pa kila­lang suspek na pumasok sa kanilang boar­ding house.

MANILA, Philippines — Dalawang babae na namatay noon din matapos pagbabarilin ng hindi nakikilalang lalaki na puma­sok sa kanilang  boarding house sa Sitio Laluses, Ba­rangay Talisay, Tiaong, Quezon, kamaka­lawa ng gabi.

Ang dalawang biktima na nagtamo ng mga tama ng bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan ay nakilalang sina Jessica Tambado, 28 at Lanie Caya, 26.

Sa ulat, alas-10:40 ng gabi habang nakahiga ang mga biktima sa loob ng nirerentahang boarding house nang pumasok ang hindi nakikilalang lalaki at walang kaabug-abog na sila ay pinagbabaril.

Nang matiyak na patay na ang dalawang babae ay sumakay ang suspek sa isang naghihintay na kulay puting kotse saka tumakas.

Inaalam na ng pulisya ang pagkakakilanlan ng salarin at ang motibo nito sa krimen.- Ed Amoroso

KRIMEN

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with