^

Police Metro

Coast Guard napatay ng kabaro

Jorge Hallare - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) matapos tamaan ng bala mula sa baril ng kabaro na aksidente umanong pumutok sa loob ng Coast Guard Station na matatagpuan sa Brgy. Manjumlad, Matnog, Sorsogon, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang nasawi na si SN1 Joshua L. Solano, 24-anyos, binata, residente ng Camalig, Albay.

Habang sumuko naman ang nakabaril na kabaro na si SN2 John Klent Nacario Lumabe, 29-anyos, binata at residente ng Brgy. Lourdes Young, Nabua, Camarines Sur.

Sa ulat, alas-4:45 ng hapon naka-duty umano sa queuing area ng PCG ang suspek nang sa hindi pa malamang dahilan ay biglang aksidenteng pumutok ang kanyang Ka­libre.9mm na baril dahilan para masapol ang biktima.

Duguang humandusay ang biktima na agad isinugod sa pagamutan pero idineklarang dead-on-arrival.

Patuloy ang ginaga­wang imbestigasyon ng mga otoridad sa insidente habang nasa kustodiya ng pulis ang suspek at ang kanyang service firearm.

KRIMEN

PHILIPPINE COAST GUARD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with