^

Police Metro

85% mga Pinoy ok sa polisiya at programa ni Marcos - Survey

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Naniniwalang nasa ta­mang landas ang mga polisiya at mga programa ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ng nasa 85 porsiyento ng mga Filipino.

Ito ang resulta sa Tugon ng Masa survey ng OC­TA Research na isinaga­wa no­ong Oktubre 23 hanggang 27 na kung saan 6 por­syento lamang ang nagsabi na hindi sila naniniwala sa mga prog­rama ng Pangulo. Habang siyam por­syento naman ang hindi tumugon sa survey.

Nabatid na ang Vi­sayas region ang nakapagtala ng pinakamataas na numero kung saan 91 porsyento sa mga adult Filipino ang nagsabi na tama ang mga ginagawa ng Pangulo.

Nasa 70 porsyento naman sa adult Filipino sa Na­tional Capital Region ang sumang-ayon sa mga prog­rama ng Pangulo.

Nasa 87 porsyento na­man ang naitala sa Balance Luzon o Metro Manila ha­bang nasa 84 percent sa Mindanao ang nagsabi na tama ang ginagawa ng Pa­ngulo. Nasa Class A, B, C, D at E ang tumugon sa sur­vey.

Nasa 81 porsyento sa mga tumugon sa survey ang galing sa Class E o ang pinakamahirap na sektor sa bansa habang 79 porysento naman ang tumugon sa Class A, B at C.

Pinakamarami sa nag­sa­bi na nasa tamang landas ang Pangulo ay nasa 75-anyos pataas kung saan umabot sa 98 por­syento.

FERDINAND MARCOS JR.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with