^

Police Metro

Pagsasabatas ng LSB at SEF inilatag sa Kamara

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Upang palakasin ang sis­tema ng edukasyon sa bansa ay hiniling sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang mabilis na pag­sasabatas ng Local School Boards (LSB) at Special Edu­cation Fund (SEF).

Ito ang naging pana­wagan ni Camarines Sur 3rd District Rep. Gabriel H. Bordado, Jr. ang mabilis na pagpasa ng dalawang pa­nukalang batas upang ma­­tugunan ang akrisis sa edukasyon.

“Ang kasalukuyang krisis sa ating sektor ng edukasyon ay patuloy na bumabagabag sa ating kabataan at kinabukasan ng ating bansa kung hindi tayo kikilos ngayon. Para­an din ito upang matugunan ang mga mahigpit na pangangailangan ng ating paaralan, guro at mag-aaral,” ani Rep. Bordado.

Ayon kay Bordado, kasabay ng pagbubukas ng eko­nomiya matapos ang pandemya, dapat ding tugunan at tutukan ang batas para sa sektor ng edukasyon.

Sinabi ni Bordado na ang local go­vern­ment unit sa Naga City, Bicol ay gu­ma­gamit ng LSB at SEF upang palakasin ang siste­ma ng edukasyon sa pamamagitan ng pagtatatag ng maraming programa na naglalayong bigyang kapang­yarihan ang mga tao mula pa noong panahon ng dating Mayor Jesse M. Robredo.

Sa ilalim ng panukalang batas, popondohan ang pagkuha at/o subscription ng mga libro, peryodiko at kaga­mitang panturo; ang mga pa­nanaliksik na pang-edu­kas­yon, pagsasanay, work­shop o conference ng mga guro at mag-aaral.

EDUCATION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with