^

Police Metro

Pagbebenta ng firecrackers, pyrotechnic devices ipagbawal

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — “Tuluyan ng ipagbawal sa bansa ang pagbebenta, distribusyon at paggamit ng anumang firecrackers at pyrotechnics devices.”

Ito ang isinusulong ni House Committee on Local Government Chairman at Valenzuela City Rep. Rex Gatchalian upang  maiwasan ang disgrasya lalo na sa pagsalubong ng Bagong Taon.

Si Gatchalian ay nag­hain ng House Bill (HB) 5914 o ang Firecrackers Prohibition Act upang ipa­tupad ang ‘total ban’ laban sa mga paputok nang maiwasan ang mga ‘related firecrackers injuries.’

Ayon sa mambabatas sa tuwing sasapit  ang pagsalubong sa Bagong Taon ay maraming mga nadidisgrasya kabilang ang mga bata na kung saan kung mamalasin pa ay napuputulan ng mga daliri, kamay at iba pa kapag nasasabugan ng malalakas na uri ng paputok.

Tinukoy ng solon na ang mga bata at mga kabataan o mga ‘young adults’ na nagkakaedad 11-anyos at maging ang 30-anyos ang karaniwang nabibiktima ng mga ipinagbabawal na paputok tulad ng boga, 5 star, piccolo, super bawang , super lolo at iba pa.

Base sa  datos ng Department of Health (DOH), naging epektibo ang kanilang kampanya kontra sa pagpapaputok pero nabawasan lamang ang nadidisgraya.

FIRECRACKERS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with