^

Police Metro

COVID-19 positivity rate sa NCR, 9 lalawigan, tumaas

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Patuloy ang pagtaas ng COVID-19 positivity rate sa National Capital Region (NCR) sa loob ng nakalipas na pitong araw.

Ayon kay OCTA fellow Dr. Guido David, mula sa dating 7.5% lamang noong Nobyembre 19, tumaas sa 11.1% ang positivity rate sa rehiyon pagsapit nitong Nobyembre 26.

Ang positivity rate ay ang porsiyento ng mga taong nagpopositibo sa COVID-19 mula sa kabuuang bilang ng mga indibidwal na naisailalim sa COVID test.

Bukod sa NCR, nagsitaas na rin ang positivity rate sa iba pang lalawigan kabilang ang Batangas, Benguet, Bulacan, Cagayan, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Kalinga, La Union at Pangasinan.

Ang Isabela ang nakapagtala ng pinaka­mataas na positivity rate sa Luzon na nasa 44.4%.

Nasa 12 lugar naman sa Luzon ang nakitaan ng pagbaba ng positivity rates sa nasabing panahon. Kabilang dito ang Albay, Bataan, Camarines Sur, Cavite, Isabela, Laguna, Nueva Ecija, Pampanga, Quezon, Rizal, Tarlac, at Zambales.- Angie dela Cruz

COVID-19

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with