^

Police Metro

5 patay sa Bukidnon massacre

Doris Franche - Pang-masa
5 patay sa Bukidnon massacre
Dito ay namatay ang 4 na magkakamag-anak kasama ang isang menor de edad habang nakaligtas ang may-ari ng bahay na si Lugnasan na may tama ng bala sa tiyan.
Photo by RP Ocampo

MANILA, Philippines — Limang katao ang patay sa pamamaril at pananaga noong Linggo ng umaga sa Lantapan, Bukidnon. Sa ulat ng pulisya, isang bahay na pagmamay-ari ng isang Mael Lugnasan ang pinasok ng 6 na mga suspek at doon na nagsimula ang walang habas na pamamaril.

Dito ay namatay ang 4 na magkakamag-anak kasama ang isang menor de edad habang nakaligtas ang may-ari ng bahay na si Lugnasan na may tama ng bala sa tiyan.

Makalipas nito, nagtungo naman ang suspek sa bahay ng isa pang residente at doon naman pinagtataga ng bolo ang mga naabutan doon.

Nasawi sa nangyaring pananaga ang lalaking kinilala na si Daniel Lugnasan.

Ayon sa Lantapan police, naaresto na ang 3 sa mga suspek at patuloy naman ang paghahanap sa nakawalang 3 iba pa.Hinihinalang dahil sa lupa ang motibo ng pa­mamaslang.

KRIMEN

MASSACRE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with