^

Police Metro

Kelot inutas ng karibal

Danilo Garcia - Pang-masa
Kelot inutas ng karibal
yon sa ulat ng Manila Police District - Homicide Sec­tion, alas-10:30 ng umaga nang pasukin ng gunman ang biktima sa loob ng kanyang bahay saka ito pinagbabaril. Mabilis din itong tumakas matapos ang insidente bitbit ang ginamit na caliber 40.
File

MANILA, Philippines — Dead on the spot ang 24-anyos na binata nang pagbabarilin sa loob ng kanyang bahay kahapon ng umaga sa Baseco Compound, Port Area, Maynila.

Ang nasawi ay kinilalang si Marco Polo Aquino, job­less  ng Blk.1 Gasangan, Baseco Compound.

Pinaghahanap naman ng mga operatiba ang gunman at dalawa nitong look-out sa isinagawang krimen.

Ayon sa ulat ng Manila Police District - Homicide Sec­tion, alas-10:30 ng umaga nang pasukin ng gunman ang biktima sa loob ng kanyang bahay saka ito pinagbabaril. Mabilis din itong tumakas matapos ang insidente bitbit ang ginamit na caliber 40.

Lumalabas sa imbestigasyon, dati umanong kina­ka­sama ng biktima ang kasalukuyang live-in partner ng gunman.

Sa kabila nito, patuloy pa rin umanong nagpupunta ang babae kay Aquino na ikinagalit ng suspek kaya sumugod ito sa bahay ng biktima saka pinaulanan ng bala.

Nakuha sa crime scene ang limang basyo ng bala at isang hindi pumutok na bala ng nasabing kalibre.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa krimen ha­bang hindi pa tinukoy ang pagkakilanlan ng gunman. 

KRIMEN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with