Suspek na may 28 kaso ng pagnanakaw, naaresto sa Pasay
MANILA, Philippines — Arestado ang isang lalaking most wanted person dahil sa 28 kaso ng pagnanakaw sa Pasay City, noong Sabado ng gabi.
Kinilala ang akusadong si Rommel Ilagan, 53-anyos, liaison officer/messenger/driver, residente ng Unit 203, Building 3, MHR Building, Manggahan, Pasig City.
Sa ulat, alas-9:50 ng gabi nang masakote ang akusado sa isinagawang One Time Big Time (OTBT) operation ng mga tauhan ng Pasay City Police Station-Sub-Station 4, sa Y Tower, MOA Complex, Brgy. 76, Pasay City.
Sa pangunguna ni P/Major Jonar Cardozo ng Sub-Station 4 at ng Warrant Section ay natunton ang akusado.
Nabatid sa warrant of arrest ay may kasong 28 counts ng qualified theft through falsification of commercial documents si Ilagan na inisyu ni Judge Elisa Sarmiento, Presiding Judge ng Branch 71, Pasig City.
Isa sa mga biktima ng akusado ay ang aktor at television host na si Casey Wyatt o mas kilala bilang KC Montero na ginagamit umano ang kaniyang pirma sa mga transaksyon ng akusado upang manloko at makakolekta ng pera sa mga target na nabibiktima.
- Latest