^

Police Metro

LPG taas-presyo nakaumang sa Disyembre

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sa buwan ng Disyembre ay posible umanong tumaas muli ang presyo ng mga liquefied petroleum gas (LPG) products.

Ayon kay Department of Energy (DOE) Oil Industry Management Bureau director Atty. Rino Abad, ang mga buwan ng Nobyembre at Disyembre ay kalimitang nasa impact period ng LPG inventory build-up.

Dahil dito, malaki talaga aniya ang tiyansa na magkaroon pa rin nang pagtaas ng LPG prices.

“Malaki po talaga ang [chance]. Ayaw kong sabihin na 100%, wala pa akong hinahawakan na report, pero malaki ang tiyansa na magkakaroon pa rin tayo ng increase,” aniya sa panayam sa radyo.

“Ang comfortable talaga ako na January, February at March ay medyo mag-e-ease out ‘yan kasi ‘yan po ay utilization period na,” dagdag pa niya.

Sa kabila naman nito, sinabi ni Abad na malaki ang posibilidad na ang pump prices ng fuel ay magpatuloy sa pagbaba sa susunod na dalawang linggo.

LPG

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with