^

Police Metro

DOH: Asahan na ang tuluy-tuloy na mutation ng COVID-19

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Magtutuluy-tuloy umano ang mutation  at pagsulpot ng iba’t ibang lineage ng COVID-19 sa mga darating pang panahon at kailangang matutunan ng lahat na mabuhay kasama nito ng may ibayong pag-iingat sa kanilang kalusugan.

Ito ang pahayag ni DOH Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire na natural na susulpot ang mga bagong variants kung magtutuluy-tuloy ang transmisyon nito at ang pinakamabisang dapat gawin ng lahat ay ang limitahan ang pagkalat nito sa pagpapalakas ng proteksyon ng mga sarili at mga establisimiyento makaraan na matukoy muli na nasa Pilipinas na ang Omicron subvariant BQ.1 na sinasabing nagdudulot ng panibagong pagtaas ng mga kaso sa Estados Unidos at sa ibang panig ng Europa.

Idinagdag pa ni Vergeire, dapat maintindihan na ng publiko ang uri o abilidad ng virus at huwag umasa na lamang sa pagsasawalang-bahala kung mahahawa o hindi kapag bumababa ang kaso.

Muli niyang tiniyak na nananatili sa “low risk” ang healthcare utilization sa bansa sa kabila ng bagong subvariant at palaging handa kung sakaling may malaking pagtaas sa mga bagong kaso.

COVID-19

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with