^

Police Metro

2 todas sa aksidente sa kalye ng Rizal

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dalawang katao ang nasawi kabilang ang isang menor-de-edad sa magkahiwalay na aksidente noong Sabado at kahapon sa lalawigan ng Rizal.

Ayon sa ulat ng Region 4-A police, patay ang rider na si Jude Nicolo Galo habang bumibiyahe sa Corazon Aquino Avenue sa Barangay San Roque, Teresa kahapon ng mada­ling-araw.

Nabatid na bumangga ang motor ni Galo sa isang paparating na truck na minamaneho ni Mecio Morales Jr.

Nagtamo ng pinsala si Galo at nasawi habang dinadala sa ospital.

Hindi naman natukoy kung may suot na helmet ang biktima at nasa kustodiya na ng pulisya si Morales.

Patay naman ang 12-anyos na batang babae na kinilalang si Nicole Joy Lejano nang mahagip ng dumadaan na sports utility vehicle (SUV) na minamaneho ni Roldan James sa Marilaque Highway, Barangay Pinugay, kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ng pulisya, big­lang tumawid umano ang biktima na nagresulta upang mabundol ng SUV.

Nasawi ang biktima habang ginagamot sa Cabading Hospital. Nasa kustodiya na rin ng pulis­ya ang driver ng SUV.

ACCIDENT

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with