^

Police Metro

‘Bida’ kontra ilegal na droga, inilunsad

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Para sa mas pinaigting na kampanya ng pamahalaan laban sa illegal na droga sa bansa, inilunsad na kahapon ang “Buhay Ay Ingatan, Droga’y Ayawan” o BIDA program.

Nabatid na sa ilalim ng BIDA program, makikipagtulungan ang mga local go­vernment units (LGUs), national government agencies, at iba pang pangunahing sektor ng lipunan, sa mga drug enforcement agencies kabilang ang Philippine National Police (PNP), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), National Bureau of Investigation (NBI) at iba pang ahensya, upang mabawasan ang demand sa ilegal na droga at magkaroon ng rehabilitasyon sa mga komu­nidad.

Isinagawa ang national launching ng programa sa Quezon Memorial Circle sa pangunguna ni Interior and Local Government Secre­tary Benjamin ‘Benhur’ Abalos Jr., na nagsabing ang pro­blema sa ilegal na droga ay dapat na solusyunan mula sa ugat nito.

“Ang kapulisan natin, nandito ang mga generals, mga colonels, nandito PDEA, Dangerous Drugs Board, NBI, walang ginawa kundi manghuli nang manghuli. Makikita niyo, kaliwa’t ka­nan ang huli ever since. Pero anong nangyayari? May pu­mapalit lang kung minsan,” aniya pa. “Kaya ang kaila­ngan natin dito, hindi lang ang panghuli ng ating mga kapulisan, PDEA, NBI. Tulungan ng buong bayan, ugatin natin ang problema.

Sinabi ni Abalos na ang BIDA program ay makiki­pagtulungan sa mga barangays, simbahan at religious communities, at mga pamilya upang matugunan ang problema sa ilegal na droga at maisailalim sa rehabilitasyon ang mga taong lulong dito.

Ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at ang Department of Health (DOH) aniya ang tutulong sa kanilang re­habilitation programs habang ang mga church leaders naman aniya ay maaaring magbigay ng gabay sa mga drug addicts at drug pushers na nais magbagong-buhay.

Ang Department of Trade and Industry (DTI) naman ang inaasahang magkaka­loob ng programang pangkabuhayan sa kanila habang ang Department of Labor and Employment (DOLE) naman ang tutulong upang makahanap sila ng trabaho.

vuukle comment

ILLEGAL DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with