^

Police Metro

2 Army athletes wagi sa obstacle races sa Mount Everest

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nag-uwi ng karangalan sa bansa ang dalawang atleta ng Philippine Army matapos silang magwagi sa katatapos na “Altitude Obstacle Course Races (OCR) World Championships” sa basecamp ng Mt. Everest sa Nepal, ang pinakamataas na bundok sa buong mundo.

Ayon kay Philippine Army Spokesman Col. Xerxes Trinidad, si Staff Sgt. Andrico Mahilum ang nagwagi sa karera ng kanilang laban sa Himalayas matapos na talunin ang mga propes­yunal na obstacles athletes mula sa Nepal, India, United Kingdom, Canada, Australia, Greece, South Africa, Poland, Hungary, United States, Spain, Portugal at Brazil sa kategorya ng paligsahan para sa mga kalalakihan.

Nasungkit naman ni Corporal Ailene Tolentino­ ang ikatlong puwesto sa Women’s category na napagwagian din ng kapwa Pinoy mula sa Baguio City na si Sandi Abahan.

Ang dalawa ay kapwa tumanggap ng tropeo at me­dalya sa pagwawagi sa nasabing sports competition.

Ang Altitude OCR ay isang event na ginaganap sa mga matataas na lugar. Ang championship sa nasabing kompetisyon ay isinagawa sa Nepal mula Nobyembre 21-22 ng taong ito. Ang mga atleta na lumahok sa 2-linggong kompetisyon ay umakyat sa mataas na altitude ng Mt. Everest.

Sa nasabing karera, ka­ilangang maabot ng atleta ang minimum altitude na mas mataas sa sea level na 2,438 metro o 8,000 feet at maximum altitude sa iba­baw ng sea level na 5,500 metro o 18,000 talampakan kung saan may kailangang malagpasang mga obstacles o pagsubok sa nasabing course para sa event na hinati sa tatlong bahagi.

Pinapurihan ni Col. John Oliver Gabun, director ng Army-Installation Com­mand’s­­ Special Service Center sina Mahilum at Tolentino sa ibinigay ng mga itong karangalan sa bansa gayundin sa pagpapakilala sa buong mundo sa husay ng mga atleta ng Philippine Army.

vuukle comment

MT. EVEREST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with