^

Police Metro

Operasyon ng LRT-1, suspendido sa Disyembre 3 at 4 

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Suspendido ang operasyon o biyahe ng mga tren ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) sa Disyembre 3, Sabado, at Disyembre 4, Linggo, ayon sa Light Rail Manila Corp. (LRMC) kahapon.

Sa abiso ng LRMC, na siyang pribadong operator ng LRT-1, pansamantalang sususpindehin ang operasyon ng rail line sa susunod na weekend upang bigyang-daan ang reintegrasyon ng LRT-1 Roosevelt Station sa 19 pa nitong operational stations mula Baclaran, sa Parañaque City hang­gang sa Balintawak sa Quezon City.

Ayon sa LRMC, magsasagawa sila ng readiness tests, trial runs, at exercises sa linya ng LRT-1 upang ma-check kung maayos ang integrasyon ng Roosevelt area sa ilalim ng bagong Alstom signaling system.

Sa sandaling matiyak na katanggap-tanggap ang resulta ng isasagawa nilang operational exercises sa linya, target ng LRMC na maibalik ang commercial operation ng LRT-1 mula Baclaran Station hanggang LRT-1 Roosevelt Station sa Disyembre 5, Lunes.

Kaugnay nito, pinayuhan naman ni LRMC chief ope­rating officer Rolando Paulino III ang kanilang mga parok­yano na planuhin na ang kanilang biyahe para sa susunod na weekend at manatiling nakatutok sa mga updates sa pag­babalik ng kanilang operasyon.

Tiniyak din niya na ang pansamantalang inconvenience na kanilang mararanasan ay magreresulta naman sa mas mahabang benepisyo para sa mga commuters.

 “We assure the public that once reopening is confirmed, LRMC is ready to serve our LRT-1 passengers adding Roosevelt Station to our existing operational stations,” aniya pa. - Ludy Bermudo

vuukle comment

LRT-1

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with