^

Police Metro

DOH: State of calamity sa COVID-19 palawigin pa

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inirekomenda ng Department of Health (DOH) na palawigin pa ang state of calamity para sa COVID-19 para maipagpatuloy ang pan­demic response ng pa­ma­halaan.

Ayon kay DOH Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire, hihingi sila ng extension ng state of cala­mity ng hindi bababa sa isa o dalawang buwan, kung hindi maisasabatas ang Center for Disease Control (CDC) bill bago matapos ang taon.

“If this bill will not be enacted by the end of the year, that is the time we need to consider if we will request from the Office of the President another extension of the state of cala­mity even for just one or two months only,” ani Vergeire sa press briefing noong Biyernes.

Gayunman, aniya, sakaling maisabatas na ang CDC bill, hindi na kailangan ang pagpapalawig sa state of calamity.

Sa kasalukuyan, ang mga local government at ang national government ay kaya namang pamahalaan, na kailangan na lamang ang deklarasyon mula sa Pa­ngulo dahil sa mga konsi­derasyon na nabanggit.

Una nang nagpahayag ang Private Hospital Association of the Philippines Inc. (PHAPI) na may panganga­ilangan na palawigin ang state of calamity kahit hanggang first quarter ng 2023.

Hanggang sa Disyembre­ 31, 2022 na lamang ang state of calamity ng COVID-19 pandemic nang palawigin ito ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

COVID-19

DOH

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with