^

Police Metro

Big time oil price rollback, asahan sa sunod na linggo

Angie dela Cruz - Pang-masa
Big time oil price rollback, asahan sa sunod na linggo
Sa pagtaya batay sa nakaraang apat na araw na palitan, posible ang P3.70 hanggang P3.90 na bawas-presyo sa kada litro ng diesel. Ang presyo naman ng gasolina ay bababa ng P1.10 hanggang P1.30 kada litro habang ang kerosene ay bababa ng P2.20 hanggang P2.40 kada litro.
STAR / File

MANILA, Philippines — Asahan sa araw ng Martes ay magkakaroon ng malakihang tapyas sa presyo ng petrolyo.

Niliwanag ni Asst. Director Rodela Romero ng Department of Energy-Oil Industry Management Bureau (DOE-OIMB)  na base sa four-day oil trading ay magkakaroon ng rollback sa lahat ng produktong petrolyo.

Sa pagtaya batay sa nakaraang apat na araw na palitan, posible ang P3.70 hanggang P3.90 na bawas-presyo sa kada litro ng diesel.

Ang presyo naman ng gasolina ay bababa ng P1.10 hanggang P1.30 kada litro habang ang kerosene ay bababa ng P2.20 hanggang P2.40 kada litro.

Sinabi ni Romero na ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa mainland China, mataas na crude inventory sa US at price cap na naipatupad ng Russian sa krudo ang pangunahing ugat ng pagbaba sa presyo ng produktong petrolyo.

OIL PRICE ROLLBACK

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with