^

Police Metro

Omicron subvariant BQ.1 nasa Pinas na

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasa Pilipinas na rin ang bagong Omicron subvariant BQ.1 makaraang matuklasan ang 14 kaso nito sa pinakahuling genome sequencing.

Ito ang kinumpirma ng Department of Health (DOH) na nasa 13 sa 14 na samples ay mga lokal na kaso mula sa Cordillera Administrative Region (CAR), Ilocos Region, Calabarzon, Central Visayas at National Capital Region (NCR).

“What we know so far from this BQ. 1 would be that it is more transmissible and also it is highly immune-evasive compared to other subvariants of Omicron,” ayon kay DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire.

Ang pagkakatuklas ay resulta ng genome sequencing na isinagawa mula Oktubre 28 hanggang Nobyembre 18.

Ang BQ.1 ay ikinokunsidera na variant of interest (VOI) ng European Center for Disease Control na kung saan ang karakter ng VOI, binabago ang karakte­ristik ng virus para mas maging nakakahawa, mas malala ang idinudulot na sakit at mas nakakaiwas sa immune system.

Una nang sinabi ng OCTA Research Group na posibleng nasa bansa na ang BQ.1 at siyang nagdudulot ng nakikitang pagtaas sa kaso ng CO­VID-19 na maaa­ring magkaroon ng panibagong wave ng mga kaso lalo na sa NCR dahil sa pagtaas ng positi­vity rate.

DOH

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with