^

Police Metro

12 Pinoy namamatay kada araw sa COVID-19

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sa pagtataya ng OCTA Research Group, nasa 12 katao ang namamatay sa Pilipinas kada araw dahil sa COVID-19 sa loob ng nakalipas na linggo.

Pero, sinabi ni OCTA fellow Dr. Guido David na bumaba na ang ave­rage na ito na naitala nitong Nobyembre 21 kumpara sa sinundang linggo at buwan.

Noong Oktubre 21, nakapagtala ng ‘seven-day average” na 38 indibidwal na namamatay sa COVID-19 habang 267 naman noong Agosto 22, 2021 sa kasagsagan ng Delta variant sa bansa.

Higit sa 64,000 na ang kabuuang nasasawi sa Pilipinas dahil sa COVID-19. Ang naitalang 13,105 deaths sa buong 2022 ay ikalimang bahagi lamang na kabuuang records ng pagkamatay mula nang pumutok ang virus sa Pilipinas noong 2020.

Ayon pa sa OCTA, 65% ng mga deaths ay naganap noong 2021 habang 20% lamang nga­yong 2022.

Una nang nagbabala si David na maaaring magkaroon pa ng panibagong mga surge lalo na at nakitaan muli ng pagtaas sa positivity rate sa Metro Manila.

Kinontra naman ito  ni Department of Health officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na nagsabing hindi tamang pagbasehan ang positi­vity rate lamang at mas importante na makita ang healthcare utilization rate na nananatiling low risk sa bansa.

COVID-19

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with