^

Police Metro

Lagusnilad tragedy: Rider todas sa armored van

Danilo Garcia - Pang-masa
Lagusnilad tragedy: Rider todas sa armored van
Sa ulat, bago naganap ang insidente, alas-4:55 ng hapon sa southbound lane ng Padre Burgos Avenue sa Lagusnilad Underpass sa tapat ng Manila City Hall ay parehong binabagtas ng armored van (UQC 575) at Mio type scooter  ang kalsada patungo ng Pasay City.
Graphic by Philstar/John Villamayor

MANILA, Philippines — Isang 64-anyos na lalaki ang nasawi habang nilalapatan ng lunas sa ospital makaraang mabundol at masagasaan ng armored van sa Lagusnilad underpass sa Ermita, Maynila, kamakalawa ng hapon.

Ang nasawi ay kinilalang si Pedro Tenerife, may-asawa at nakatira sa No. 453R Palmera St., Sampaloc, Maynila.

Nasa kustodiya na ng Manila Police District-Traffic Enforcement Unit ang driver ng armored van na si Ericson Oliver, 45, ng  No. 17B 2nd Ave­nue, Brgy. North Signal, Taguig City na kinasuhan ng murder through reckless imprudence.

Sa ulat, bago naganap ang insidente, alas-4:55 ng hapon sa southbound lane ng Padre Burgos Avenue sa Lagusnilad Underpass sa tapat ng Manila City Hall ay parehong binabagtas ng armored van (UQC 575) at Mio type scooter  ang kalsada patungo ng Pasay City.

Dito ay nasagi ng unahang kanang bahagi ng van ang scooter dahil sa pag-iwas sa malalalim na lubak na dahilan para sumemplang ang biktima, napailalim at nasagasaan pa ng van.

Nabatid na matagal nang inirereklamo ng mga motorista ang ma­tinding lubak sa Lagusnilad underpass.

AKSIDENTE

PATAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with